Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at DPWH Sec. Vince Dizon nagsagawa ng inspeksyon sa kahabaan ng Bonifacio Drive

COMMUNITY
May 15, 2026 16

Magkasamang nagsagawa ng inspeksiyon sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa drainage improvement project sa kahabaan ng Bonifacio Drive malapit sa Roxas Boulevard nitong Miyerkules ng umaga, Mayo 13. Ayon kay Secretary Dizon, target na mabuksan sa mga motorista ang naturang kalsada sa darating na Biyernes upang makatulong sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko at maiwasan ang matinding pagbaha sa lugar. Dahil sa patuloy na koordinasyon ng lokal at pambansang pamahalaan, naging mas mabilis ang pagsasaayos ng mga drainage project na inaasahang magbibigay ng malaking kaginhawaan sa publiko, lalo na sa mga motorista at residente ng Maynila. (Photos by Christian Turingan & Sef Robrigado/ManilaPIO)

"COMMUNITY" - News