Abangan! Kauna-unahang Sparkle Run sa Maynila!

COMMUNITY
Feb 12, 2026 6

Abangan! Kauna-unahang Sparkle Run sa Maynila!

Isang bagong race event ang magbibigay-kulay at sigla sa lungsod para sa marathon enthusiasts at fitness lovers. Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, GMA Sparkle Artist Center, at Runrio Inc., inilunsad ang Sparkle Run na dadaluhan ng mga sikat na artista ng GMA Sparkle Artist Center, kasama ang kanilang fans at iba pang running enthusiasts.

Ngayong araw, Pebrero 5, isinagawa ang contract signing sa Manila City Hall na dinaluhan nina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle First Vice President Joy Marcelo, at Runrio Inc. President and CEO Rio dela Cruz.

Ang kaabang-abang na Sparkle Run ay gaganapin sa Mayo 30, na magsisimula at magtatapos sa Quirino Grandstand at iikot sa ilang makasaysayan at iconic landmarks sa Lungsod ng Maynila.

“Very excited ang mga atabs natin, mga Batang Maynila, na iyong pinanonood nila na Kapuso-serye, Kapuso shows — ang artists behind the show ay makikita nilang live dito sa Lungsod ng Maynila,” ani Mayor Isko.

Dagdag pa ng alkalde, ikinatuwa niya ang patuloy na pagtitiwala ng iba’t ibang organisasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, na nagsisilbi ring pagkakataon upang mas maipakilala ang magagandang tanawin at mayamang kasaysayan ng lungsod, kasabay ng pagpapalakas ng lokal na turismo.

www.manila.gov.ph

"COMMUNITY" - News