Soon to rise — PLM College of Allied Health Sciences Building!

GOVERNANCE
Feb 12, 2026 7

Sinimulan na ngayong araw ang isang makasaysayang proyekto na bunga ng matibay na kolaborasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ng national government — ang pagtatayo ng state-of-the-art 5-storey Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Allied Health Sciences Building.

Isinagawa ang groundbreaking ceremony ngayong araw, Pebrero 6, na dinaluhan nina Manila Mayor Francisco “Isko" Moreno Domagoso, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mga opisyal at kawani ng PLM, mga department head ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, at iba pang opisyal ng national government.

Pinasalamatan ni Mayor Isko si Pangulong Marcos sa patuloy na suporta sa lungsod upang matugunan ang pangangailangan sa edukasyon at pangkalusugan, at tiniyak na hindi masasayang ang tulong na ito.

Ayon sa alkalde, ang proyekto ay mahalagang ambag sa nation-building sa pamamagitan ng paghubog ng mas maraming health professional na maglilingkod hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa.

“Tatapatan po namin ng sipag at mabilis na kilos ang mabilis ninyo ring aksiyon at tugon sa usaping pangkalusugan. Dito man lang, kaming mga Batang Maynila, masuklian ang inyong pagmamalasakit sa amin, that we will deliver on time as prescribed in our goals," pagtitiyak ng alkalde.

(Photos by James Bulan & Christian Turingan/ManilaPIO)
www.manila.gov.ph

"GOVERNANCE" - News