Singapore Ambassador Visits the Nation’s Capital

POLITICS
Feb 12, 2026 9

Ibinahagi ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Her Excellency Constance See Sin Yuan, Ambassador of the Republic of Singapore to the Philippines, ang kanyang paghanga sa mga polisiya, programa, at pamamahala ng Singapore.

Sa kanilang pagpupulong, sinabi ni Mayor Isko na ilan sa kanyang mga programa at proyekto para sa Lungsod ng Maynila ay hango sa mga best practice ng Singapore—na nakatuon sa mga inisyatibong tumutugon sa minimum basic needs ng mamamayan.

Ipinabatid naman ni Ambassador See Sin Yuan ang imbitasyon sa alkalde ng kapitolyo ng bansa na muling bumisita sa Singapore, upang higit pang pagpapalalim ang kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng Singapore at ng Lungsod ng Maynila.

Bilang simbolo ng pasasalamat at matibay na pagkakaibigan, iginawad ni Mayor Isko ang Key to the City, na sumasagisag sa patuloy na pagiging bukas ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa Republika ng Singapore.

www.manila.gov.ph

"POLITICS" - News