DONASYON: Personal na tinanggap ni Mayor Isko ang donasyong dalawang ambulansiya mula sa TKL Steel Corporation

COMMUNITY
Mar 23, 2026 33

Personal na tinanggap ni Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso ang donasyong dalawang ambulansiya mula sa TKL Steel Corporation nitong Lunes, Marso 16.

Lubos na nagpasalamat ang alkalde kina Candid Capistrano at Janica Chua, na kumakatawan sa TKL Steel Corporation, sa kanilang ipinagkaloob na ambulansiya para sa lungsod.

Kumpleto ang mga ambulansiya sa mahahalagang kagamitang medikal tulad ng stretcher, spine board, wheelchair, trauma bag, dalawang tangke ng oxygen, vital signs apparatus, at iba pang basic medical supplies na mahalaga sa pagbibigay ng paunang lunas ng mga kawani ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department.

Patunay ito ng patuloy na pagtutulungan ng pribadong sektor at ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang mapalawak ang mga serbisyo para sa bawat Batang Maynila.

(Photos by James Bulan/ManilaPIO)

"COMMUNITY" - News